MANILA, Philippines- Nadakip ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang binata matapos makumpiskahan ng marijuana plant sa mismong bahay nito sa nasabing lungsod.
Kinilala ni QCPD Director ang naaresto na si Kervin Carreon alyas BOSS, 18-anyos, residente ng 005 Magdalena St., Brgy Sta. Monica, Novaliches, Quezon.
Base sa ulat dakong alas-8:45 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa mismong tahanan ng suspek.
Nauna rito, may isang concerned citizen ang nagsumbong hinggil sa iligal na gawain ni Carreon dahilan upang isinailalim ito sa surveillance.
Nang masiguro ng kapulisan na positibo ang kanilang natanggap na impormasyon ay dito na isinagawa ang drug raid kung saan nakumpiska nila mula sa suspek ang isang piraso ng marijuana plant at isang plastic sachet na naglalaman ng mga dahon.
Nakapiit na si Carreon na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz