Home METRO Binata todas sa kapwa helper sa Divisoria

Binata todas sa kapwa helper sa Divisoria

MANILA, Philippines – HINDI na umabot nang buhay sa pinagdalhang pagamutan ang isang 39-anyos na binata, makaraang masaksak sa kanang tagiliran ng kapwa nito helper sa Sto. Cristo Street, Tondo, Manila,iniulat ng pulisya nitong Miyerkules, Nobyembre 22.

Nakilala ang biktimang si Elorde Alcazaren, tubong Capiz at stay-in sa trabaho sa nasabing lugar.

Samantala, agad namang naaresto ng mga barangay tanong ang suspek na si Jason Macahilig, stay-in din sa kabilang kalye ng Sto. Cristo.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 9:30 ng umaga, nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sto Cristo Street, Tondo.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Det Joseph Kabigting, may hawak ng kaso ay nagkaroon ng mainitang asaran ang biktima at ng suspek hanggang sa magkapikunan na nauwi sa suntukan.

Nagawang makatakbo papalayo ni Alcazaren, subalit sinundan na ito ng suspek na armado ng patalim, saka inundayan ng saksak ang biktima sa kanang tagiliran.

Gayunman idineklarang Dead on Arrival sa pagamutan ang biktima kasabay nang pag-aresto sa suspek.

Ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya. Rene Crisostomo

Previous articleCanlaon City, NegOr niyanig ng M-4.2 na lindol
Next article17 Vietnamese crew nasagip sa lumubog na barko sa Palawan