Home METRO Binatang ‘nanuklaw’ ng misis tinaga sa ulo ni mister

Binatang ‘nanuklaw’ ng misis tinaga sa ulo ni mister

241
0

Bulacan – Pinagtataga ng 46-anyos na mister ang binatang promodizer na umano’y nagtangkang umagaw sa kanyang maybahay sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang suspek na si Elmer Valenzuela habang ang biktima ay tinawag sa pangalang “RJ” kapwa residente ng Towerville, Brgy. Minuyan Proper.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang insidente bandang 10:30 ng gabi nitong Agosto 5 sa Brgy. Minuyan Proper.

Ayon sa imbestigasyon, kinompronta ng suspek na armado ng jungle bolo ang biktima na aniya’y nagtangkang “ahasin” ang kanyang may-bahay.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa walang kaabog-abog na pinagtataga ng suspek ang biktima.

Nabatid na tinamaan sa ulo at kanang kamay ang biktima ng suspek na mabilis na naawat ng mga kapitbahay.

Agad na tumakas ang suspek sa lugar habang agad naman dinala ang biktima sa District Hospital para sa paunang lunas.

Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad rumesponde sa lugar kaya nahuli kalaunan ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Murder (Hacking Incident) habang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleP150M confi fund ng DepEd haharangin ng Makabayan bloc
Next articleHalos 900 tauhan ng MPD ipinakalat sa unang araw ng school enrollment sa Maynila

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here