Home METRO Binatilyo grinipuhan sa asaran

Binatilyo grinipuhan sa asaran

183
0

MANILA, Philippines – Malubhang nasugatan ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin ng kapwa binatilyo na napikon umano sa kanilang asaran sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang 15-anyos na binatilyo na residente ng Concepcion Maharlika Highway, Cabanatuan Nueva Ecija.

Nasa kustodiya naman ngayon ng pulisya ang 17-anyos na binatilyong suspek, helper at residente Brgy. Calibangbangan Cabanatuan, Nueva Ecija.

Lumabas sa imbestigasyon ni PSSg Maria Theresa Dagman ng Women’s and Children Protection Desk ng Malabon police, nag-aasaran umano ang biktima at ang suspek kasama ang kanilang mga kakilala sa Blk. 14 Phase 3 Teachers Village, Brgy Longos, dakong alas-7:55 ng gabi.

Napikon umano ang suspek at bigla na lamang naglabas ng isang fan knife saka ilang beses na inundayan ng saksak sa katawan ang biktima.

Matapos ang insidente, isinigod ng biktima sa nasabing pagamutan habang dinala naman sa himpilan ng pulisya ang na-rescue na binatilyo para sa dokumentasyon. (Boysan Buenaventura)

Previous articleTop 1 most wanted person sa kasong rape sa Malabon, isinelda
Next articleBangkay ng lalaking walang saplot kinapon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here