Home METRO Binatilyo todas sa pamamaril

Binatilyo todas sa pamamaril

CEBU CITY- Patay sa pamamaril ang isang 15-anyos na lalaki nitong Sabado, sa Barangay San Jose sa lungsod.

Ayon sa Talamban Police Station, naglalakad ang binatilyo at mga kasamahan nito habang nakatakip sa kanilang mukha ang kanilang damit lampas ala-1 ng madaling araw nang pagbabarilin sila.

Nakatakbo ang grupo subalit narinig ng mga kasamahan ng biktima ang kanyang pagdaing.

Napansin din nila, na mga sugatan din, na hindi na makasabay sa pagtakbo ang biktima.

Natagpuang patay sa kalsada ang binatilyo na may ilang tama ng bala dakong alas-5 ng madaling araw.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mga ulat na sangkot sila sa serye ng nakawan sa lugar.

Narekober naman ang limang empty shells ng .45 caliber pistol sa crime scene.

Nagsasagawa na rin ang mga pulis ng follow-up investigation. RNT/SA

Previous articlePagbabawal sa Filipino dubbing ng English programs pinalagan ng KWF
Next article3 SA 4 PINOY HANDANG LUMABAN PARA SA BANSA