BAMBANG, Nueva Vizcaya –MAAGANG binawian ng buhay ang 14-anyos na binatilyo matapos mahagip ng tanker truck habang ang una ay nagbibisekleta kahapon sa bayang ito.
Kinilala ang biktimang si Cedric Ambito, estudyante at residente sa Ineangan, Dupax del Norte.
Nakakulong naman sa lock-up facility ng Bambang Police Station ang suspek at driver ng Hino tanker truck na kinilalang si Nomer Aba, 45, may-asawa at residente ng Tres Reyes, Saguday, Quirino.
Batay sa report ng pulisya, bandang 7:00 AM ng maganap ang insidente sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Santo Domingo Proper ng naturang bayan.
Advertisement