Home METRO Binatilyong wanted, 4 pang wanted nasakote ng Bulacan police

Binatilyong wanted, 4 pang wanted nasakote ng Bulacan police

210
0

Bulacan – Arestado ang isang binatilyong wanted matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo, nakilala ang wanted na si Conway Ellar.

Ayon sa report ng SJDM police, naaresto nila si Ellar nitong Mayo 24 sa bisa ng warrant sa kasong Attempted Murder na inisyu ng RTC Branch 78, Malolos City.

Samantala, arestado rin sa kaparehong ooerasyon at petsa ng Pandi, Bulakan, Norzagaray at Meycauayan police ang apat na kriminal na hindi pinangalanan.

Ang apat na kriminal ay wanted sa kasong paglabag sa BP 22, Acts of Lasciviousness at RA 9003 na nakakulong na sa mga istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III

Previous articleBlack Friday Protest sa DBP, ikinasa vs DBP-Landbank merger
Next article2 menor de edad patay sa kidlat sa Cavite

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here