Binay: Duque ‘di ‘Mr. Right’ laban sa COVID-19

Binay: Duque ‘di ‘Mr. Right’ laban sa COVID-19

July 1, 2020 @ 1:50 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Maaaring hindi si Health Secretary Francisco Duque III ang tamang tao para pangunahan ang laban ng bansa sa coronavirus disease o COVID-19, ayon kay Sen. Nancy Binay.

Giit ni Binay, hinihikayat niya kasama ang 13 iba pang senador noong Abril na bumaba na sa pwesto si Duque dahil sa bigong pamumuno sa panahon ng krisis.

“Kami sa Senado, majority of us already expressed our sentiments na baka he is not the right guy at the moment for us to solve this problem,” saad ng mambabatas.

“I think my position is clear already, the mere fact that I signed the resolution calling for his resignation and I still stand by that decision,” dagdag pa nito.

Maaalalang kamakailan ay pinaimbestigahan ng Office of the Ombudsman si Duque dahil sa overpriced coronavirus testing kits, delay na safety gear para sa medical workers, lapses sa pagkamatay ng health frontliners maging ang pagproseso ng kanilang benepisyo, at kalituhan sa pag-uulat ng COVID-19 cases. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...