Home ENTERTAINMENT Binhi ni Dyesebel, binili ni Boss Toyo!

Binhi ni Dyesebel, binili ni Boss Toyo!

Manila, Philippines- “Iconic” na matatawag ang prop (short for property) ni Marian Rivera na ginamit niya sa teleserye ng GMA na Dyesebel.

Taong 2008 when Marian essayed the role na nilikha ng tanyag na si Mars Ravelo.

Ang prop na tinutukoy namin ay ang kuwintas na ginamit ni Marian which paired her with the actor who would later become her husband, si Dingdong Dantes.

Ang latest ngang kostumer ni Boss Toyo ay apo ng dating production staff ng teleserye.

Kuwento ng seller, nagpaalam ang kanyang lolo para maarbor noon ang kuwintas na ginamit ni Marian sa pamunuan ng produksyon.

Nagbakasakali raw ang apo na ibenta ito kay Boss Toyo na kilalang bumibili ng mga gamit ng mga artista.

Kuwarenta mil ang presyong gusto sana ng seller.

Para makatiyak kung ‘yun ng ang kuwintas na ginamit ni Marian ay tinwagan ni Boss Toyo si Buboy Villar.

Si Buboy ang gumanap bilang sidekick ni Marian.

Nang mapatotohanan, tumawad si Boss Toyo sa nagbenta.

Nagkasarahan sila sa presyong P17,500.

Sa pelikula’y ang gumanap bilang Dyesebel ay sina Vilma Santos, Alice Dixson at Charlene Gonzales.

Bukod kay Marian, si Anne Curtis ang gumanap sa TV version. Ronnie Carrasco III

Previous articleMarch 1 deadline sa annual report ng foreigners muling ipinaalala ng BI
Next articleBIR: Vape distributor na may P1.2-B tax raps pinaaaresto ng korte