Home ENTERTAINMENT Binoe, bet sagutin ang hospital bill ng ina ni Yasmien!

Binoe, bet sagutin ang hospital bill ng ina ni Yasmien!

Manila, Philippines – Highly appreciated ni Yasmien Kurdi ang gesture ni Robin Padilla of offering to pay her mom’s hospital bills.

Na-confine ang ina ni Yasmien na na-diagnose with CKD o chronic kidney disorder.

While waiting for her kidney donor ay sumasailalim ang ina ng aktres sa regular dialysis.

Hindi nga biro ang inabot na bills nito sa National Kidney Institute pero naitawid naman ‘yon ni Yasmien.

Medyo napaaga nga lang niyang i-settle ang mga bayarin sa ospital dahil nag-alok mismo si Senator Robin Padila that he’d shoulder the expenses.

Ewan nga lang kung ipina-convert na lang ‘yon ni Yasmien to other expenditures.

Ginastusan din kasi ni Yasmien ang kinuha niyang bahay para tirhan ng ina, kasama ang ilang kamag-anak.

Dahil sa malayo nakatira ang ina na ayaw namang pumisan sa kanya, Yasmien had a house near her place built for her.

‘Yun daw ay para natse-check niya ang kalagayan ng ina, aside from bringing her food na si Yasmien mismo ang nagpe-prepare.

Ipinagdarasal ng aktres na sana’y malampasan ng ina ang karamdaman nito as she wants to be with her mom for a much longer time.

Back to Robin, pinatunayan lang ng action star na pagdating sa maaaring maitulong sa mga kapwa artista, lagi siyang maaasahan.

Better late than never na rin ang offer niya to help. Ronnie Carrasco III

Previous articleDalagitang nagpa-load, natagpuang patay sa sagingan
Next articleNasawing Pinoy sa Hawaii wildfire, umakyat na sa 3