Home NATIONWIDE BIR exec sa mga Pinoy: Makiisa sa pagkamit ng P2.6T collection target

BIR exec sa mga Pinoy: Makiisa sa pagkamit ng P2.6T collection target

MANILA, Philippines- “Tayo ay isang nagkakaisang bansa, at ang responsibilidad ng pagkamit ng P2.639 trilyong target ay nasa ating lahat bilang mga Pilipino.”

Ito ang panawagan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner Maridur V. Rosario sa bawat Pilipino na gamitin ang ambisyosong target na koleksyon ng buwis na P2.64 trilyon at aktibong mag-ambag sa tagumpay nito.

Sa ginanap na pagdinig sa badyet, isang katanungan ang binitawan ni Rosario kung saan binibigyang-diin ang sama-samang pananagutan ng lahat ng Pilipino sa pagtugon sa layunin ng koleksyon ng buwis.

“You are giving us a P2.639 trillion collection target, but shouldn’t the P2.639 trillion collection target be given to all of us Filipinos?” tanong ni Rosario.

Kitang-kita ang pagkadismaya ni Rosario hinggil sa mga hamon na kinakaharap ng BIR sa paghuli sa mga itinuturing na “unscrupulous individuals” partikular na sa malalayong lugar.

Aminado din si Rosario na nahihirapan ang BIR sa paghuli sa mga sangkot sa ipinagbabawal na kalakalan ng sigarilyo, partikular ang mga nagsasamantala sa mga malalayong lugar para sa kanilang mga operasyon.

Dahil dito, umapela ang BIR hinggil sa kahalagahan ng pagtutulungan kaya’t nanawagan ito sa bawat Pilipino na manatiling mapagbantay at maagap.

“This means that if they come across individuals in their locality who are not paying taxes or if they come across warehouses involved in the production of illicit cigarettes, rice, sugar, or any other goods, they should inform us about it,” apela ni Rosario.

“In the Philippines, we must remember that P2.639 trillion is not solely dependent on us. We are one united nation, and the responsibility of achieving the P2.639 trillion target lies upon all of us as Filipinos,” dagdag pa ni Rosario.

Ibinahagi din ni Rosario na ang BIR, sa tulong ng pulisya, ay nagsasagawa na ngayon ng door-to-door verification drive upang matiyak ang pagsunod sa buwis.

“It’s not just the auditors and examiners who are in the field; now, even our lawyers, reviewers, including our commissioner are out in the field,” ani Rosario. JAY Reyes

Previous articlePanlilinlang tigilan; writ of execution ‘di kailangan sa Parcel 3, 4 ng Fort Bonifacio – Taguig
Next articleDeliberasyon sa 2024 DSWD budget tapos na