MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga may-ari ng doble-dobleng tax identification numbers (TIN) na maaaring kaharapin ng mga ito ang criminal liability.
Sa pahayag nitong Martes, Mayo 23, nagpaalala ang BIR na sa ilalim ng batas, tanging isang TIN lamang ang nakatalaga sa isang taxpater, at ang pagkakaroon ng iba’t ibang TIN ay isang “serious offense” na maaaring humantong sa legal repercussions.
Ayon sa kagawaran, ang pagkakaroon ng mahigit sa isang TIN ay paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997.
Ang mahuhuling lumalabag ay magmumulta ng P1,000 o pagkakulong ng hindi lalampas sa anim na buwan.
Maaari ring mahirapan na makapagsagawa ng pinansyal na transaksyon ang mga indibidwal na may mahigit sa isang TIN, katulad na lamang ng pagbubukas ng bank account o pag-aapply sa loan.
Advertisement