Home NATIONWIDE BIR nagsampa ng 69 tax evasion complaints vs  illegal cigarette traders

BIR nagsampa ng 69 tax evasion complaints vs  illegal cigarette traders

MANILA, Philippines- Naghain ang Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Huwebes ng 69 criminal complaints sa Department of Justice para sa tax evasion laban sa illicit cigarette traders na nagkakahalaga ng P1.8 bilyong pagkalugi.

Sa isang ambush interview kasunod ng paghahain ng mga kaso, sinabi ni BIR chief Jun Lumagui Jr. na nagmula ang mga reklamo sa nationwide raid na isinagawa noong January 25.

“Ang sigarilyo kasi ay dapat niyan, bago kayo makapagbenta niyan dapat bayad ang excise tax niyan, so dapat bayad ang buwis niyan. May stamp na nakadikit diyan sa mga sigarilyo, doon sa pakete ng sigarilyo,” pahayag ni Lumagui.

“Ngayon, itong mga nahuli natin noong nakaraang January 25 na raid ay ‘yung iba dito walang stamp, ‘yung iba dito ay peke ‘yung stamps na kunwari na pinapalabas na bayad ang tax,” dagdag niya.

Sinabi ni Lumagui na ilan sa respondents ang nagbebenta rin ng pekeng sigarilyo.

Samantala, sinabi niya na 69 kaso ang kinasasangkutan ng 15 revenue regions.

“Yan ang nakuha natin na impormasyon. ‘Yung talagang supplier niyan ay malaking sindikato, itong gumagawa niyan. So hinahanap din natin ‘yan. Hopefully, makuha din natin kung sino-sino ‘yung talagang ultimate suppliers,” pagbabahagi ni Lumagui.

Base kay Lumagui, sa pagtataya ng BIR, mayroong yearly loss na P50 bilyon hanggang P100 bilyon mula sa illicit cigarette trade.

“Ang masama pa niyan, imbis napupunta ‘yan sa ating healthcare services na makakatulong sa ating mamamayan, napupunta sa imprastraktura… hindi nandito lang sa illicit traders napupunta ang mga ito,” sabi niya. RNT/SA

Previous articleVP Sara tutulak sa Singapore, Brunei sa sunod na buwan bilang SEAMEO president
Next articleSenate version ng Maharlika fund bill, pinakakasa sa Kamara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here