Home NATIONWIDE BIR sinisilip magpataw ng withholding tax sa digital payment channel transactions

BIR sinisilip magpataw ng withholding tax sa digital payment channel transactions

MANILA, Philippines- Plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mangolekta ng creditable withholding tax na 1% sa mga digital payment channel transactions kung saan bukod pa ito sa mga benta sa pamamagitan ng online platforms.

“The plan to impose withholding tax is not limited to online platforms, this will also include payment gateway… all payment channels will be required to withhold transactions,” ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.

Kung matatandaan, pinaplano ng BIR na magpataw ng creditable withholding tax na 1% sa kalahati ng kabuuang remittance ng mga online platform provider sa kanilang mga partner na nagbebenta o merchant.

Ang withholding tax ay ang halagang pinigil ng isang negosyo sa mga pagbabayad ng mga kalakal o serbisyo na direktang ipinadala sa gobyerno sa ngalan ng mga supplier o empleyado.

Sinabi ni Lumagui na tinatapos pa ng BIR kung paano nito maipapataw ang withholding tax sa mga transaksyon na ginagawa sa pamamagitan ng digital payment channels.

Gayunpaman, aniya, ang parehong mga patakaran o sistema sa pagkolekta ng withholding tax sa mga pagbabayad sa credit card ay ilalapat sa mga transaksyon sa pamamagitan ng digital payment channels.

Sa ilalim ng mga panuntunan ng BIR, ang isang kumpanya ng credit card ay nag-withhold ng 1% ng 50% ng kabuuang halagang ibinayad sa anumang business entity kaugnay ng mga transaksyong ginawa ng mga cardholder.

Samantala, sinabi ni Lumagui na plano ng BIR na magpataw ng 1% na withholding tax sa mga online sellers sa Disyembre ngayong taon. Pinayuhan din ng opisyal ang mga operator ng online platforms na tiyaking nakarehistro ang partner-merchants sa BIR bago sila ma-accredit na magbenta sa digital marketplaces.

Sinabi din ni Lumagui na magpapatupad din ang BIR ng “Online Kandado” laban sa mga platform. JAY Reyes

Previous articleBahay at lupa ipinagkaloob sa asawa ng OFW sa OFW & Family Summit
Next articleJennylyn, ‘imbyerna’ kay Dennis!