Home METRO Birador ng mga nagsi-Simbang Gabi, huli

Birador ng mga nagsi-Simbang Gabi, huli

MANILA, Philippines – Dinakip sa pamamagitan ng warrant ang isang lalaking paborito umanong pagnakawan ang mga nagsi-Simbang Gabi sa Valenzuela City.

Timbog bago muling makapangbiktima si “Johnny” nitong Disyembre 15 lamang.

Dinamba ang suspek sa bisa ng warrant na inisyu ni Hon. Elena A. Amigo-Amano ng Regional Trial Court, Valenzuela City.

Halagang P36,000 ang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng kawatan, na ikasampu sa most wanted persons ng lungsod. Merly Iral

Previous articleComelec pinagpapaliwanag ng SC sa pagdiskwalipika sa Smartmatic
Next articleDOLE NAGLABAS NG PATAKARAN SA TAMANG SASAHURIN SA DISYEMBRE 26