Home METRO Birthday boy tigbak sa tarak ng kinakasama

Birthday boy tigbak sa tarak ng kinakasama

235
0

CORDOVA, Cebu-PATAY sa mismong araw ng kanyang kapanganakan ang dating kasapi ng Philippine Air Force (PAF) matapos saksakin ng kanyang kinakasama dahil umano sa selos noong Miyerkules, Agosto 23 sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Nelson Patalinghog Sr, 53-anyos habang sumuko naman sa pulisya ang suspek at kinakasama nitong si Jonah Espinosa, 44-anyos at kapwa nakatira sa Barangay Gabi, Cordova, Cebu.

Batay sa report ng Cordova Police Station, naganap ang krimen sa loob ng bahay ng biktima at suspek sa nasabing lugar.

Lumabas sa paunang imbestigasyon, bago ang krimen nag-iinuman pa ang biktima at suspek bilang selebrasyon ng kaarawan ni Patalinghog.

Dahil sa kalasingan ng biktima, kinompronta umano nito ang suspek hinggil sa pagkakaroon nito ng nobyong dayuhan na mariin naman itinanggi ni Espinosa.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang usapin hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek na may walong pulgada ang haba saka tinarakan sa kaliwang dibdib ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen sumuko sa mga awtoridad ang suspek at posibleng maharap sa kasong homicide. Mary Anne Sapico

Previous articleNo. 4 MWP sa Las PiƱas arestado
Next article3 suspek sa robbery/holdup sa C5 nalambat sa Taguig

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here