MANILA, Philippines – Muling nahalal si Bishop Pablo Virgilio David bilang pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong Sabado.
Binigyan ng bagong dalawang taong mandato ang Obispo na pamunuan ang permanent organizational assembly
ng mga obispong Katoliko sa bansa sa ika-126 na pagpupulong ng plenaryo nito sa Marzon Hotel sa Kalibo, Aklan.
Si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara, 60, ay muling nahalal bilang bise presidente.
Mga 80 obispo ang kasalukuyang nagtitipon para sa tatlong araw na asamblea mula Hulyo 8 hanggang 10.
Ang dalawa ay unang nahalal sa kani-kanilang puwesto noong Hulyo 2021 sa online plenary assembly, ang una sa kasaysayan ng CBCP.
Ang online na pagtitipon ay ginanap sa kasagsagan ng pandemya.
Ang CBCP ay kasalukuyang binubuo ng 87 aktibong obispo, tatlong diocesan administrator, at 43 honorary members, na mga retiradong obispo.
Bukod sa halalan ng mga bagong opisyal, tatalakayin din sa pagtitipon ang mga pastoral statement at ang rebisyon ng liturgical rites.
Ang pag-apruba ng mga bagay na tinalakay ay nangangailangan ng alinman sa isang simpleng mayorya o isang boto ng two-thirds ng mga miyembrong obispo upang maaprubahan ayon sa itinatadhana ng kanilang mga Batas.
Ang mga aktibong obispo lamang ang karapat-dapat na bumoto sa mga partikular na bagay.
Ang mga retiradong obispo ay maaring dumalo sa mga pagtitipon at lumahok sa mga talakayan, ngunit walang karapatang bumoto.
Ang plenary assembly ay ginaganap tuwing Enero at Hulyo.Angvdekiberadyin at desisyon ng Kumperesya ay isinasagawa ng Permanent Council nito . (Jocelyn Tabangcura-Domenden)