MANILA, Philippines – Simula sa Hulyo ay may bago nang pastol ang Diocese of Antipolo sa katauhan ni Bishop Ruperto Santos.
Sa ulat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa kanilang news website, na ganap na alas-10 ng umaga sa Hulyo 22 ang installation ng 65-anyos na prelate sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, o mas kilala na Antipolo Cathedral, sa Rizal.
Pangangasiwaan ni Santos ang isa sa mabilis na lumalagong diyosesis ng Simbahan sa bansa na sumasaklaw hindi lamang sa lungsod ng Antipolo kundi pati na rin sa Lungsod ng Marikina at sa buong lalawigan ng Rizal.
“Please help me with your prayers. Remember me always at the altar of our Lord. Intercede for me to our Blessed Mother Mary that my episcopal ministry be like her: peace, good and full of grace,” sabi ni Santos sa isang pahayag.
Bago maitalaga sa Diocese ng Antipolo ay nasilbi siya sa Diocese of Balanga sa Bataan province simula Hulyo 2010.
Si Santos ang hahalili kay Bishop Francisco de Leon nagbitiw sa pastoral na pamamahala ng diyosesis at tinanggap ni Pope Francis noong Mayo 24.
Si De Leon ay nasa 75 anyos noong June 2022, ang mandatory age para sa mga Obispo upang magsumite ng kanilang resignation sa Papa.
Siya ay magsisilbing apostolic administrator ng Antipolo diocese hanggang sa araw ng canonical possession ng bagong obispo. Jocelyn Tabangcura-Domenden