UMUUSOK ang bumbunan ni Senador Bato dela Rosa habang nag-iimbestiga ang kanyang komite sa 990 kilong droga na nasamsam sa isang sarhentong pulis sa Tondo, Manila noong Oktubre 2022.
Dahil sa pangongolekta sa hulidap na malakihan na may halong suplay mula sa mga druglord, pag-iimbak ng mga ito at pagbebenta ng ganoong bul-tuhang droga, hindi tuloy matigil-tigil ang mga adik sa bisyo at dumarami pa sila sa sipag ng mga tulak na mag-promote ng droga sa mga adik at sinomang may gustong gumamit ng mga ito.
Sino ang hindi kukulo ang dugo kung mismong mga pulis mula heneral sa Camp Crame hanggang sa mga sarhento sa kalsada, eh, sila pala ang na-ngangalakal ng droga?
Aba, hindi biro-biro ang nasa P6.7 bilyong halaga ng 990 kilong shabu.
Kukulo rin ang dugo mo sa katotohanang nagpa-pagod at nagpupuyat ka sa kapipigil sa paglaganap ng droga sa mga kabataan at iba pang mamamayan pero yang mga pulis na bantay at katuwang mo, eh, sila pala mismo ang pagpapalaganap ng kademonyohan.
Akalain mo, nakatatak sa mga mobile patrol at nakabalandra sa loob ng mga opisina ng mga pulis ang salitang “TO SERVE AND TO PROTECT” the people pero kabaligtaran pala ang nangyayari.
BITAYIN SILA
Dito malinaw ang pag-intindi kung bakit hangga’t maaari, eh, ibalik ni General-Senador Bato ang parusang bitay.
Pero hindi lang siya ang nag-iisang nagsusulong ng panukala na ibalik ang Republic Act 7659 na maaaring maamyendahan naman.
Meron ding ibang senador at kongresman na nagsusulong nito.
Tutal, pinahihintulutan naman ng 1987 Constitution natin ang pagkakaroon ng parusang bitay.
Sabi ng Constitution sa ARTICLE III BILL OF RIGHTS, Section 1., “No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws.
‘Yung salitang “deprived”, eh, nangangahulugan ng pag-alis, pagtanggal o pagbawi ng “life” o buhay ng tao.
Ang kondisyon lang, mabigyan ng due process ang sinomang kandidato sa parusang bitay.
‘Yun bang === daraan siya sa masusing paglilitis ng mga hukuman at saka na lang siya bibitayin kung mapatunayan siyang walang kaduda-dudang nagkasala sa bintang sa kanya na krimeng karima-rimarim, gaya ng ginagawa ng mga pulis na sangkot sa 990 kilong droga.
Kaugnay nito, dumarami ang mga rape sa kababaihan saka sila pinapatay at tiyak na may mga suspek dito na sangkot sa droga dahil sa kagagawan ng mga ninja cop.
Ang mga ninja cop, dapat parusahan sila nang todo para hindi sila tularan at isama na rin ang mga rapist na adik, tulak at druglord na sangkot dito.
oOo
Anomang reklamo o puna, iparating lang sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.