Home NATIONWIDE Bivalent COVID vax may bisa pa rin vs Arcturus variant

Bivalent COVID vax may bisa pa rin vs Arcturus variant

265
0

MANILA, Philippines – May bisa pa rin ang bivalent Covid-19 vaccine laban sa bagong Omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus, ayon kay vaccine Expert Panel head Dr. Nina Gloriani.

Sa isang public briefing, binanggit ni Gloriani na ang available na datos ay nagpakita lamang na ang bivalent Covid-19 vaccines ay epektibong proteksyon mula sa iba pang mga Omicron subvariant pero hindi pa kasama ang Arcturus.

Halos 400,000 doses ng bivalent Covid-19 vaccine ang inaasahang darating sa susund na linggo ayon sa department of Health (DOH).

Ang bivalent vaccine ay ang second-generation jab na target ang Omicron variant.

Ang Arcturus ay variant na under monitoring ng World Health Organization (WHO) at European Center for Disease Prevention and Control (ECDC).

Sa bansa, naitalab ng DOH ng unang kaso ng Arcturus sa Iloilo noon April 26 at karagdagang tatlo pang kaso ang naitala naman noong May 12 na nagdala s akabuuang apat na kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleCOVID test itutuloy na ng RITM
Next articleEsports owner kinasuhan ng NBI sa pekeng resibo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here