Home NATIONWIDE Biyahe ng lahat ng barko, bangka sa South Luzon naibalik na

Biyahe ng lahat ng barko, bangka sa South Luzon naibalik na

218
0

MANILA, Philippines – Pinayagan nang maglayag ang lahat ng mga sasakyang pandagat sa Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Romblon, at southern Quezon ngayong Miyerkules, Setyembre 6, matapos alisin ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) ang gale warning sa mga lalawigang ito.

“All operations within the area of responsibility of the provinces are hereby resumed,” ayon sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG)-District Southern Tagalog (PCG-DST).

Binanggit sa advisory ang pagtataya ng PAGASA alas-5 ng umaga na nagsabing inalis na ang strong gale na may babala sa lakas ng hangin sa lalawigan.

Sinuspinde noong Agosto 27 ang biyahe ng mga sasakyang dagat na nasa 250 gross tonnages o pababa tulad ng motorized passenger o fishing boats dahil sa sama ng panahon dulot ng tatlong magkakasunod na bagyo at habagat.

Naapektuhan din ng habagat ang western at southern seaboard ng Southern Luzon na nagresulta sa mataas na alon.

Gayunpaman, ang lahat ng mga bangka sa lalawigan ng Batangas at hilagang bahagi ng Quezon, kabilang ang grupo ng mga isla ng Polillo, ay nagsimulang maglayag muli noong Linggo ng hapon, Setyembre 3, matapos alisin ng Pagasa ang gale warning sa dalawang lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMas marami pang toll plaza, magpapatupad ng cashless collection simula Sept. 8
Next articleDavid, may construction company na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here