Home NATIONWIDE Biyahe ng mga barko sa VisMin, kanselado sa bagyong Kabayan

Biyahe ng mga barko sa VisMin, kanselado sa bagyong Kabayan

MANILA, Philippines – Nakasakay na ng barko ang humigit kumulang 2,000 na pasaherong stranded kagabi dahil sa bagyong Kabayan.

Ngunit paglilinaw ng Philippine Ports Authority (PPA), hindi pa nakapaglayag ang mga ito dahil sa storm signal sa Port of destination ng nasabing mga pasahero.

Ayon sa PPA, ito ang dalawang barko ng 2Go.

Sinabi ni PPA spokesperson Eunice Samote, upang maging komportable ang mga pasahero kaya sila pinasakay ng barko at agad ding paaalisin sa oras na inalis na ang storm signal.

Gayunman, mayroon ding 212 na pasaherong nag-aantay ng byahe na nakasakay na rin ng barko at hindi pa makaalis dahil hindi pa lifted ang storm signal sa pupuntahan nila.

Concourse update – 0600H

Saint Therese

CEBU- 51

BUTUAN – 104

Saint Francis Xavier

TAGBILARAN – 1

CAGAYAN – 66

TOTAL = 212

Una nang kinansela pansamantala ang byahe ng mga barko dulot ng Tropical Depression Kabayan nitong Linggo, Disyembre 17.

Ang mga apektadong mga pantalan ay ang mga sumusunod:

PMO NEGROS ORIENTAL/SIQUIJOR:

* Fast Crafts bound patungong Dumaguete, Siquijor, Tagbilaran, at Liloan, at Cebu

* RoRo vessel ptungong Tangil Port, Cebu

PMO BOHOL:

* All trips

PMO ZAMBOANGA DEL NORTE:

* Patungong Dumaguete

Pinapayuhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang lahat ng apektadong pasahero na makipag-ugnayan muna sa concerned shipping lines bago pumunta sa mga pantalan para maiwasan ang abala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBiyahe sa mga pantalan sa Cebu, suspendido
Next articleAP Bren kampeon sa M5