Home NATIONWIDE Biyahe sa Batangas port delayed sa masamang panahon, kondisyon sa dagat –...

Biyahe sa Batangas port delayed sa masamang panahon, kondisyon sa dagat – PCG

MANILA, Philippines – Delayed ang mga biyahe sa Batangas Port nitong Huwebes, Disyembre 28 dahil sa masamang panahon at hindi magandang kondisyon ng dagat, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa public briefing, sinabi ni PCG deputy spokesperson Lieutenant Junior Grade Jherich John Ybañez na pinag-usapan na nila ang naturang isyu sa port personnel.

“Hindi naman po talaga maiwasan kasi if there is a slight delay again maybe because of the weather, not necessarily bad weather or may signal number pero kapag malakas po ang alon, expected na po na babagal po ang kanilang travel time,” aniya.

Dagdag ni Ybañez, naglatag na ang PCG ng medical at passenger assistance centers sa mga pantalan para asistehan ang mga apektadong pasahero.

Nitong Miyerkules ng gabi, nakapagtala ng kabuuang 45,624 outbound passengers at 44,569 inbound passengers ang PCG sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Aabot sa 2,960 PCG personnel naman ang ipinakalat at ininspeksyon ang 347 barko at 119 motorbancas.

Naka-alerto pa rin ang PCG hanggang Enero 3, 2024 upang pangasiwaan ang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season. RNT/JGC

Previous articleChikungunya cases sa bansa, pababa na – DOH
Next articleTagaytay naghahanda sa 500K turista sa Bagong Taon