Home NATIONWIDE Biyaheng Legazpi-Naga ng PNR, nagsimula na

Biyaheng Legazpi-Naga ng PNR, nagsimula na

MANILA, Philippines – Matagumpay na tinahak ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang 101-kilometrong rutang, Naga City hanggang Legazpi City at pabalik, ngayong araw, Disyembre 27.

Nagsimula itong bumiyahe alas-5:38 ng umaga at 5:45 kanina.

Habang ang biyahe mula Naga-Legazpi papunta at pabalik ay magaganap sa 5:30 at 5:47 ng hapon.

Ito ay matapos ang higit na anim na taong pangako ng PNR sa mga Bicolano sa pagbabalik-serbisyo sa kanilang mga bayan at rehiyon.

Tatagal ang biyahe (one-way) ng tatlong oras at apat na minuto sa nasabing ruta, kung saan babagtasin nito ang ilang bayan sa Camarines Sur at Albay.

Kabilang na ang ruta sa Naga, Pili, Iriga, Polangui, Ligao, Travesia, Daraga, at Legazpi.

Samantala, ang mga flag stops ay nasa Baao, Lourdes, Bato, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan.

Ang minimum fare ay ₱15.00 at ang pamasahe ay hanggang ₱155, depende sa final destination ng pasahero.

May inilaan ding 20% discount para sa estudyante, PWDs, at senior citizens at kinakailangan lang ng karampatang ID o katibayan.

Ayon kay GM Regino ng PNR ligtas, komportable, maayos, at abot-kayang biyahe para sa lahat.

Nagpasalamat si PNR General Manager Jeremy S. Regino sa DOTR, sa pamumuno ni Secretary Jaime J. Bautista, sa malaking tulong nito upang muling mabuksan ang nasabing ruta, na may apat na biyahe kada araw.

Hinimok ni Rehino ang mga Bicolano na tangkilikin ang serbisyo ng PNR.

Nakiusap din ang opisyal sa mga pasahero ba panatilinh malinis at maayos ang loob ng mga tren sa mga istasyon at flag stop upang lalong maging kaaya-aya ang paglalakbay.

Nabatid na Abril 2017 ay sinuspinde ng PNR ang train services sa nasabing ruta dahil sa kakulangan ng train coaches at locomotives. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNazareno planong ilagay sa loob ng glass case sa Traslacion
Next articleFireworks-related injuries, 75 na!