Home NATIONWIDE Biyaheng Naga-Legazpi, balik na sa Disyembre 27

Biyaheng Naga-Legazpi, balik na sa Disyembre 27

MANILA, Philippines – Muli nang bubuksan ng Philippine National Railways (PNR) ang biyaheng Naga-Legazpi-Naga sa darating na Miyerkules, Disyembre 27.

Ito ay matapos ang halos anim na taon na paghihintay nang suspindihin noonh Abril 2017 ang operasyon ng PNR sa nasabing ruta dahil sa kakulangan ng train coaches at locomotives.

Apat na biyahe ang tatakbo sa higit 100 kilometrong haba ng riles mula Naga City, Camarines Sur hanggang sa Legazpi City, Albay, at pabalik.

Mula Naga papuntang Legazpi ay my dalawang biyahe araw-araw. Dalawa rin mula Legazpi papuntang Naga.

Kaakibat nito ang pagbubukas ng tatlong istasyon sa naturang ruta: Travesia, Daraga, at Legazpi.

Ayon sa Philippine National Railways (PNR) titigil din ang tren sa istasyon sa Naga, Pili, Iriga, Polangui, at Ligao.

Walong flag stops naman ang daraanan ng ruta: Baao, Lourdes, Bato, Matacon, Oas, Bagtang, Washington Drive, at Capantawan.

Magsisimula ang pamasahe sa P15 para sa unang istasyon at aabot sa P155 hanggang sa huling istasyon ng tren.

Bibigyan naman ng 20% diskwento ang mga pasaherong senior citizens, estudyante at persons with disability.

Nagpapaalala ang PNR na dalhin lamang ang mga IDs para sa diskwento. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKim Jong Un nagbabala ng nuclear attack
Next articleMga bus terminal ininspeksyon ng DOTR sa Christmas exodus