Home METRO Biyudo na most wanted sa rape sa Caloocan arestado!

Biyudo na most wanted sa rape sa Caloocan arestado!

MANILA, Philippines- Shoot sa selda ang isang biyudo na nakatala bilang most wanted sa kasong rape matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief Robert Sales ang naarestong akusado sa alyas “Hilario,” 60, ng Brgy. 166, Caybiga.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Lt. Col. Sales na nakatanggap sila ng impormasyon naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar.

Kaagad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Major Jerry Garces, kasama ang DID-NPD saka nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa Daisy St., Sitio Gitnang Purok IV Barangay 166 Caybiga, dakong ala-1:30 ng hapon.

Ani Major Garces, hindi naman pumalag ang akusado nang dakpin nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Presiding Judge Ma. Teresa De Guzman Alvarez ng Regional Trial Court Branch 131 noong November 13, 2023, para sa kasong Rape under Art. 266-A (4) counts, Statutory Rape under Art. 266-A (2) counts at Lascivious Conduct under Sec. 5(B) of RA 7610 (2) counts.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Costudial Facility Unit ng NPD-DSOU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. Rene Manahan

Previous articleCash assistance para sa Mindanao quake victims pinaplantsa na ng DHSUD
Next articleMagna Carta para sa Out-of-School Youth youth oks na sa Kamara