Home METRO Biyudong nanalo sa sabong kinatay sa talyer!

Biyudong nanalo sa sabong kinatay sa talyer!

Bulacan – Patay ang 63-anyos na lalaking nanalo umano sa sabong matapos tadtarin ng saksak nitong Pasko sa kanyang talyer sa bayan ng San Rafael.

Kinilala ang kalunos-lunos na biktimang si Arsenio Isidro, biyudo, residente ng Brgy. Capihan.

Sa impormasyong nakalap, huling nakitang buhay ang biktima bandang ala-1 ng madaling araw nitong Pasko sa kanyang talyer sa Brgy. Tukod.

Ayon sa impormasyon, natagpuan ang bangkay ng biktima na duguan at wala nang buhay ng mga batang mamasko sana sa kanya bandang alas-11 ng umaga.

Tinatayang 23 tama ng umano ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang tinamo ng biktima na siyang agarang ikinamatay nito.

Sinasabing kapapanalo sa sabong at posibleng nakilala ng biktima ang salarin kaya pinagsasaksak siya.

Sinusulat ito, patuloy ang follow-up operation ng pulisya sa naturang krimen. Dick Mirasol III

Previous articleBong Go: Higpitan, pagbabantay vs ILI cases
Next articleTibay, paninindigan sa Gaza ni Jimmy Pacheco, pinuri ni Tolentino