Home METRO Black Friday Protest sa DBP, ikinasa vs DBP-Landbank merger

Black Friday Protest sa DBP, ikinasa vs DBP-Landbank merger

309
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga kawani ng Main Office ng Development Bank of the Philippines sa Makati City nitong Biyernes, Mayo 26.

Tinawag ito bilang “Black Friday Protest” kung saan ang mga empleyado ay nagsuot ng kulay itim na damit at naglabasan mula sa kanilang opisina upang ipanawagan na pigilan ang planong pagsasanib-pwersa ng DBP at Landbank.

Matatandaan na isinagawa rin ang kahalintulad na protesta ng mga empleyado ng DBP noong Mayo 12 partikular na ng mga miyembro ng employees union ng mga GOCC at GFI.

Ayon kay DBP Employees Union President Charles Coronejo, ipinatawag na sila ng House Committee on Banks para humarap sa pagdinig at ilatag sa mga kongresista ang kanilang hinaing sa planong DBP-Landbank merge. RNT/JGC

Previous articleNAIA balik-operasyon na kasunod ng ‘lightning red alert’
Next articleBinatilyong wanted, 4 pang wanted nasakote ng Bulacan police

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here