Home NATIONWIDE ‘Black Hearts Day’ protest kasado sa Peb. 14

‘Black Hearts Day’ protest kasado sa Peb. 14

MANILA, Philippines- Sinabi ni Alliance of Health Workers (AHW) president Robert Mendoza na magsasagawa ang grupo ng kilos-protesta sa Miyerkules, Pebrero 14, sa tinagurian nitong “Black Hearts Day.”

Paliwanag niya, “Tinatawag nating black hearts day kasi alam natin na may maitim na puso ang gobyerno kasi hindi naman namin nakikita na talagang may pagmamahal sila sa mga health workers.”

Binanggit din ni Mendoza na nakatakdang magsimula ang kilos-protesta sa pagtitipon sa harap ng Department of Health (DOH) ng alas-8:30 ng umaga, na susundan ng paglakad hanggang Mendiola ng alas-9:30 ng umaga.

Samantala, binigyang diin ng AHW president ang “peaceful intentions” nila sa kaugnay ng potensyal na interbensyon ng Philippine National Police (PNP).

“We hope this won’t happen because we are not violent in our rallies and protests,” ani Mendoza.

“Ang gusto lang namin ay makarating sa Mendiola para makita ng ating Presidente na ito ‘yung mga bulto ng health workers at kasama pa ang ibang government employee para ihatag ang mga hinaing,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleMosyon ng kampo ni Teves vs passport cancellation haharangin ng DOJ
Next articlePag-aresto kay Jade Castro pinatatalupan sa Senado