Blended learning pa? PH telco regulator ‘di nakadalo sa Senate probe dahil sa mabagal na internet

Blended learning pa? PH telco regulator ‘di nakadalo sa Senate probe dahil sa mabagal na internet

June 25, 2020 @ 6:40 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Sa kabila ng ikinakasang blended learning kung saan kinakailangan ang paggamit ng internet para makapag-aral ang mga kabataan ay nananatiling kuwestyon bukod sa pambili ng gadget ay ang bilis ng internet.

Sa katunayan, maging ang telecommunications regulator sa bansa ay hindi nakaligtas sa kupad ng internet.

Naganap ang insidente sa Senate Basic Education Committee hearing ngayong Huwebes kung saan inimbitahan ang National Telecommunications Commission (NTC) para sagutin ang ilang mga katanungan.

Ngunit walang napala ang mga senador dahil hindi nakontak si NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios sa bagal ng internet connection ng nasabing ahensya.

 “Walang signal ang NTC. It’s a very good omen. NTC, naririnig nyo kami? Dapat pinakamalakas na signal [ang] NTC,” ani Senator Francis Tolentino.

 “I think you’re just here in Metro Manila. NTC you don’t have any signal. NTC are you still practicing state of the art technology? We can’t hear you,” tugon ng Senador.

Makalipas ang ilang minute ay sinubukan ding tanungin ni Senate Basic Education Committee Chairman Win Gatchalian ang komisyon.

 “Pag may technical problems ang NTC, parang nawawalan ako ng pag-asa sa online learning na mangyayari sa bansa natin dahil ang NTC ang regulator ng telcos,” aniya pa.

 “Continue to fix it para may pag-asa pa kami sa Pilipinas sa online learning,” giit ng senador. RNT

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...