Ganito ilarawan ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na ang pagsisimula ng election period para sa Okt. 30 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls.
Ito ay dahil libu-libong mga aspirant ang nagsumite ng kanilang certificates of candidacy (COC) sa unang araw ng paghahain nito.
“Blockbuster! We were so overwhelmed,” ani Comelec chair George Garcia sa mga mamamahayag nitong Martes.
Ayon sa Comelec figures, may kabuuang 273,454 aspirants ang naghain ng kanilang COC sa hangaring makuha ang isa sa 672,000 available na upuan sa 42,000 barangay ng Pilipinas.
Sa bilang, 21,657 ang naghain para sa posisyon ng barangay chair habang 143,638 ang tumatakbo sa sangguniang barangay member.
May 17,085 iba pa ang naghain ng kandidatura para sa SK chairmanship, habang 91,074 iba pa ang naghain ng puwesto sa SK council.
Sinabi ni Garcia na maliban sa ilang insidente, naging “mapayapa” ang simula ng panahon ng halalan.
Samantala, habang papalapit na ang eleksyon ay lalong umiigting ang sitwasyon kung saan apat na insidente ng election-related violence ang naitala na sa ngayon.
Kabilang dito ang pagpatay kay Alex Repanto, ang chairman ng Barangay San Jose sa Libon, Albay. Ang iba pang insidente ay naitala sa Rizal at Maguindanao, ani Garcia.
Sa Metro Manila, nakumpiska ng pulisya ang 6 na baril at 17 nakamamatay na armas habang patuloy na ipinapatupad ang election gun ban. Karamihan sa mga armas ay narekober sa checkpoint operations.
Sampung katao din ang inaresto dahil sa iba’t ibang mga paglabag kaugnay ng panahon ng halalan, iniulat din ng pulisya. RNT