MANILA, Philippines- Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) nitong Biyernes sa publiko laban sa mga scammer na naniningil para mag-claim ng mga kargamento.
Batay sa abiso ng BOC, sinabi nila na ang mga scammer na ito ay nagpapanggap na mga opisyal na kinatawan ng nasabing ahensya.
“These scammers falsely claim that payment of ‘customs clearance tax/fees’ is required to release parcels or packages,” saad sa abiso.
Sinabi ng BOC na ang scammers ay namemeke ng mga pirma ng mga opisyal ng Customs upang mabigyan ang mga biktima ng pekeng proof of payments.
“They send forged acknowledgement letters with the names of BOC officials or employees to victims,” ayon sa BOC.
Dahil dito, hinimok ng BOC ang publiko na iulat ang anumang katulad na pamamaraan kung saan maaaring makipag-ugnayan sa BOC sa pamamagitan ng email na boc.cares@customs.gov.ph o sa pamamagitan ng social media accounts nito. JAY Reyes