Home NATIONWIDE BOC ‘on right track’ sa pag-abot sa P1T target

BOC ‘on right track’ sa pag-abot sa P1T target

MANILA, Philippines – Tiwala ang Bureau of Customs (BOC) na maaabot nito ang target para sa 2024 matapos na lampasan pa ng ahensya ang January collection goal nito.

“For this year, since we just started for January we collected PHP106 billion. That is still ahead of the target so we’re on the right track,” ayon kay BOC Deputy Commissioner Michael Fermin nitong Sabado, Pebrero 17.

“We have been efficiently collecting revenues especially with the higher target this year set by the DBCC (Development Budget Coordination Committee),” dagdag niya.

Ang DBCC ay inter-agency body sa ilalim ng National Economic and Development Authority na inaatasan na magtakda ng macroeconomic assumptions ng pamahalaan.

Ngayong 2024, target ng ahensya na makakolekta ng P1 trilyon na kita.

Noong nakaraang taon, nakakolekta ang BOC ng P883.62 bilyon, lampas pa sa annual target na P874 billion.

Para sa border control and protection, sinabi ni Fermin na nakapagtala ang BOC ng 980 successful seizure operations, pinakamataas sa rekord nito sa kabuuang monetary value na P43.3 bilyon.

Karamihan sa mga nasamsam na produkto ay mga pekeng bag at sapatos, sinundan ng P7 bilyon halaga ng illegal na droga.

Para sa 2023 lamang, nakapaghain ang BOC ng 90 criminal cases sa Department of Justice, 60 ang dahil sa agricultural smuggling.

Ngayong taon, nasa 13 kaso na ang inihain ng opisina. RNT/JGC

Previous articleLane malapit sa Balintawak Toll Plaza ng NLEX isasara sa konstruksyon
Next articleP16M bigas ipinamahagi ng Valenzuela LGU sa 3 calamity-hit Mindanao provinces