MANILA, Philippines- Bagama’t bumuhos ang malakas na ulan ay patuloy pa ring nasusunog ang isang bodega sa Valenzuela City.
Halos alas-7 na ng gabi ay hindi pa rin nagdedeklara ng fire out ang Valenzuela City Fire Station sa storage ng Herco Trading.
Halos 120 pamilya na ang inilikas mula sa paligid ng natupok na bodega at kahit na malakas ang usok dahil sa nakaimbak na mga kemikal dito ay mapalad na wala pang naitalang namatay o nasaktan.
Nagsimulang magliyab ang nasabing storage G.Molina St. Barangay Bagbaguin kaninang alas-12:30 ng hapon, umabot sa ikalawang alarma pagsapit ng alas-12:32, ikatlong alarma kaninang alas-12: 51; at sa ika-apat pagsapit ng ala-1:06 ng hapon.
Inaalam pa kung ano ang mitsa ng sunog. Merly Iral