Home NATIONWIDE Body shaming kinondena ni Pope Francis

Body shaming kinondena ni Pope Francis

MANILA, Philippines – Kinondena ni Pope Francis ang body shaming sa mga kabataan, na kinikilala na siya mismo ay guilty   sa paggawa nito noong bata pa siya sa Argentina mahigit pitong dekada na ang nakararaan.

Ginawa ni Francis ang kanyang mga komento habang nakikipag-usap sa mga estudyante ng unibersidad sa Asia sa pamamagitan ng isang video link.

Sinabi sa kanya ng isang ginang mula India kung paano niya naramdamang pahiyain ng kanyang mga kaklase nang siya ay teenager dahil sa kanyang timbang at hubog ng katawan at nakaranas ng bullying.

“Regardless of you being fat, thin, short tall, the important thing is to live in harmony, harmony in your hearts … every man, every woman has their own beauty and we really have to learn how to recognize it,” saad ng Santo Papa.

Sa kanyang kasagutan sa ginang ,ikinuwento ng Santo Papa ang kanyang personal na karanasan.

“I recall a friend of mine who was a bit fat and we actually mocked him, I dare say bullied him, we once shoved him and he fell down,” ani Francis.

“When I got home, my father was informed about this and he took me to this schoolmate’s home to apologize,” sabi ng Papa.

Sinabi ng Santo Papa na muli siyang nakipag-ugnayan  sa kaibigan noong mga nakaraang taon at natuklasan na siya ay naging isang Evangelical pastor. Namatay ang lalaki kamakailan.

Sinabi rin nito ang tungkol sa cosmetic surgery sa pakikipag-usap sa mga estudyante sa unibersidad.

 “Plastic surgery serves no purpose because its beauty is going to fade eventually,” saad niya,na binanggit ang  well-known story ng  20th century Italian actress na si Anna Magnani na nagsasabing  “Please don’t retouch my wrinkles. It took me so long to earn them.” Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDOH kinasuhan sa delayed health emergency allowance
Next article2 bangkay ng sanggol itinapon sa Koronadal, Naga