Home NATIONWIDE Bohol pasok sa 18 bagong Global Geoparks network – UNESCO

Bohol pasok sa 18 bagong Global Geoparks network – UNESCO

944
0

MANILA, Philippines – Idinagdag ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Bohol bilang isa sa 18 bagong lugar bilang Global Geoparks network.

Ayon sa UNESCO nitong Miyerkules, Mayo 24, ang Bohol ang kauna-unahang UNESCO Global Geopark sa Pilipinas.

“The island’s geological identity has been pieced together over 150 million years, as periods of tectonic turbulence have raised the island from the ocean depths,” pahayag ng UNESCO.

Binanggit din nito ang karstic geosites ng isla katulad ng mga kweba, sinkhole at cone karst, kabilang ang pamosong Chocolate Hills.

Dagdag pa, ang Danajon Double Barrier Reef ay mayroong 6,000 taon ng coral growth, sabay-sabing “it is only one of its kind in Southeast Asia” at “one of just six documented double barrier reefs on Earth.”

Binubuo ang naturang reef ng dalawang malaking offshore coral reefs na nabuo sa kombinasyon ng paborableng tidal currents at tidal growth sa submarine ridge sa lugar.

Mismong ang Executive Board ng UNESCO ang nag-endorso sa 18 karagdagang lugar, sa UNESCO Global Geoparks network.

Mayroon nang kabuuang 195 Global Geoparks network sa mundo mula sa 48 bansa. RNT/JGC

Previous articleWalang nakapasa sa special licensure exam for social workers sa Middle East – PRC
Next articleRelief goods, nakaabang na sa bagyong Mawar – PBBM admin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here