Home METRO Bomba nadiskubre sa kampo ng NPA

Bomba nadiskubre sa kampo ng NPA

TUBO, Abra- Nadiskubre ng mga awtoridad ang bomba at ilang mga materyales na pandigma sa inabandonang kampo ng mga miyembro ng New People’s Army, nitong Lunes sa bayang ito.

Ayon kay Police Brig. Gen. David Peredo Jr., Police Regional Office-Cordillera chief, habang nagsasagawa ng minor internal security operation sa bulubunduking bahagi ng Barangay Kili ang mga tauhan ng 143rd Special Action Company, 14th Special Action Battalion, Abra Police Provincial Office, Mountain Province PPO, at Regional Mobile Force Battalion 15 ay nadiskubre nila ang abandonadong kampo.

Narekober sa kampo ng mga NPA ang anti-personnel mine (PVC type), 2-dynamites, 4-detonating cords, 1-ICOM handheld radio, 2-ICOM battery chargers, assorted wiring, 1-solar panel, 1-Motorola charger, 1-Nokia charger, 2-dynamos, grease gun, subversive documents, communications devices, tools, medicine kits, at mga personal na kagamitan.

Dinala naman sa himpilan ng pulisya at Explosives and Ordnance Division-Abra ang mga nakuhang kagamitan para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. Mary Anne Sapico

Previous article‘Bagong’ peace talks may sariwang framework agreement – Galvez
Next articleKoreano arestado sa ‘panggagahasa’ sa Pinay