MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang dahil sa granada ang dahilan ng pagsabog sa isang bus terminal sa Barangay Bugaan East, Laurel, Batangas nitong umaga ng Linggo, Setyembre 10.
Aabot sa walong bus ang napinsala ng pagsabog na naganap umano alas-3 ng madaling araw, ayon kay Laurel Mayor Lyndon Bruce.
Wala pang natatanggap na ulat ng nasawi dahil sa pagsabog. RNT/JGC