Home NATIONWIDE Bong Go: DSWD tiniyak, patuloy ang suporta sa Malasakit Centers

Bong Go: DSWD tiniyak, patuloy ang suporta sa Malasakit Centers

319
0

MANILA, Philippines- Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtiyak nitong patuloy na susuporta at tutulong sa pagpapalakas ng mga programa ng Malasakit Centers sa buong bansa.

Ang Malasakit Centers ay one-stop shop para sa pamimigay ng tulong-medikal mula sa DSWD, Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Philippine Health Insurance Corporation sa mahihirap o maralitang mga pasyente.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o Malasakit Centers Act of 2019. Sa ngayon, 157 operational Malasakit Centers na ang nakatulong sa mahigit 7 milyong Pilipino sa buong bansa.

Sa Commission on Appointments confirmation hearing sa Senado nitong Martes, tinanong ni Go, chair ng Senate committee on health and demography, si DSWD Secretary Rexlon “Rex” Gatchalian hinggil sa status ng deployment ng mga tauhan ng DSWD sa Malasakit Centers batay sa mandato ng batas.

“The department… always makes it a point to support all laws that are mandated on us to be the lead agency or the support agency. We have full deployment of social workers and case managers in the Malasakit Centers,” tugon ni Gatchalian, na ang ad interim appointment ay suportado ni Go. Dahil dito, nakumpirma sa plenaryo ng CA si Gatchalian noong araw na iyon.

Binigyang-diin ng senador na ang konsepto ng ‘one-stop shop’ na makikita sa Malasakit Centers ay hindi na kailangang lumabas ng ospital at bumisita sa mga opisina ang indigents patients para lang makakuha ng tulong-medikal.

“Mr. Senator, you have our assurance that we will make sure to work with your office because you’re the (principal) author (and sponsor) of (the Malasakit Centers Act of 2019) … there are provisions there that we can further streamline so that ‘yung mga tao, hindi na ho sila pabalik-balik sa social worker, punta sa Malasakit Center, but rather, everything should be processed inside the Malasakit Center the way you envisioned it,” ani Gatchalian.

Tiniyak ni Gatchalian na patuloy na inuuna ng DSWD ang programang Malasakit Centers, ayon sa iniaatas ng Republic Act No. 11463. Plano ng ahensya na gawing digital ang proseso ng pagbibigay ng iba pang uri ng tulong sa mga Pilipino.

“Moving forward, … yung digitalization plan natin is to see to it na dapat pagpasok ng pasyente sa loob ng hospital, and this applies to our guarantee letters po, and, hopefully, later on, the DOH can also probably adopt the same platform, dapat end-to-end na ho siya,” anang kalihim.

Pinasalamatan ni Go si Gatchalian na kagaya niya ay may magandang mga plano sa Malasakit Centers program. “Alam n’yo, ‘yung pamasahe, malaking bagay rin po ‘yon sa mga mahihirap nating mga kababayan. Makatitipid po sila sa pamasahe, panahon na hindi na po sila kailangan pang pabalik-balik. Tulungan po natin sila. …Yung mga mahihirap, sila po ‘yung pumupunta sa government hospitals po.”

Umaasa si Go na patuloy na makikipagtulungan ang DSWD sa pagtulong sa mahihirap at maralitang Pilipino, at idinagdag na “Secretary Rex, we are honored to have you as the Secretary of the DSWD, and I have no doubt that you will exceed our expectations. Siguraduhin natin ang mabilis at tapat na serbisyo sa ating mga kababayan sa inyong pamumuno. Let us continue to serve and protect our underprivileged kababayans. Together, let us build a better country for them and the generations to come.”

“Isa lamang po ang hinihiling ko sa inyo, Secretary Rex, huwag po natin kalimutan yung mga mahihirap… mga kababayan, yung mga hopeless and helpless na wala pong matakbuhan kundi tayo dito sa gobyerno, tulungan po natin sila. Sana po maipagpatuloy natin ang mga magagandang nasimulan ng Duterte administration at galingan pa po natin ngayon, sa panahon ni Pangulong Bongbong Marcos,” ayon kay Go. RNT

Previous article‘Overcharging’ motorcycle taxis, iimbestigahan ng LTFRB
Next articlePulis nanutok ng baril sa mag-anak, inireklamo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here