Home NATIONWIDE Bong Go: Maliliit na magsasaka, suportahan

Bong Go: Maliliit na magsasaka, suportahan

MANILA, Philippines- Nananawagan si Senador Christopher “Bong” Go sa gobyerno na bigyan ng higit na suporta ang maliliit na magsasaka dahil sila ang gulugod ng ekonomiya ng bansa at may mahalagang papel sa pagpapanatili ng food security ng bansa.

Si Go, miyembro ng Senate committee on agriculture, ay patuloy na nagsusulong sa lehislatibo na maiangat ang buhay ng mga Pilipinong magsasaka, partikular sa mapanghamong panahon ng ekonomiya. Isa siya sa nag-akda at nag-isponsor ng Republic Act No. 11953, na kilala bilang New Agrarian Emancipation Act.

Ang landmark na batas na ito ay nagko-condone ng mga pautang, kabilang ang mga interes, multa, at surcharge ng mga benepisyaryo ng repormang agraryo. Sa pamamagitan nito, mapapagaan ang mga pinansiyal na pasanin na kinakaharap ng mahigit 600,000 agrarian reform beneficiaries sa buong Pilipinas, sa gayo’y mapahusay ang kanilang economic resilience.

Dagdag pa rito, si Go ay nag-akda at nag-co-sponsor din ng RA 11960, o ang One Town, One Product (OTOP) Philippines Act. Ang batas na ito ay nagdesentralisa ng mga oportunidad sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa bawat bayan at lalawigan na paunlarin at isulong ang kanilang mga natatanging produkto.

Hindi lamang nito pinalalakas ang inobasyon na pinamumunuan ng komunidad bagkus ay tinutulay din nito ang urban-rural na economic divide, na nagbibigay sa maliliit na magsasaka ng mas maraming paraan upang ibenta ang kanilang ani.

Binigyang-diin din ni Go ang kahalagahan ng paghikayat sa mga end user na direktang bumili mula sa mga producer. Ito ay hindi lamang nakatutulong sa mga magsasaka ngunit tinitiyak din na ang mga mamimili ay makakukuha ng sariwa at abot-kayang ani.

“Hindi lamang ito tungkol sa hindi natin kailangang mag-import mula sa ibang mga bansa. Ito ay tungkol sa pagkilala at pagsuporta sa ating mga lokal na magsasaka at mga benepisyaryo ng repormang agraryo,” dagdag ni Go.

Habang tinatahak ng bansa ang mga hamon sa ekonomiya, muling iginiit ni Go na ang pinakamahalagang bagay ay walang nagugutom.

“Dapat po, walang magutom. Importante po dito tiyan ng bawat Pilipino,” ani Go.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, tumaas ang inflation rate sa 5.3 percent noong Agosto, mula sa 4.7 percent noong Hulyo. Ang pagtaas ng inflation ay dahil sa mas mabilis na pagtaas ng mga presyo ng pagkain at non-alcoholic beverage.

Sa partikular, ang inflation para sa pagkain at non-alcoholic na inumin ay bumilis sa 8.1 porsyento noong Agosto. Ang year-on-year growth rate para sa mga presyo ng bigas ay tumaas sa 8.7 porsyento mula sa 4.2 porsyento. RNT

Previous articleChinese boat na naipit sa Ayungin tumanggi sa tulong ng Pinas; PCG sinisi
Next article9 lugar positibo sa toxic red tide

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here