Home NATIONWIDE Bong Go namigay ng ayuda sa Laguna

Bong Go namigay ng ayuda sa Laguna

MANILA, Philippines – ADOPTED son ng Calabarzon, ipinadala ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang Malasakit Team para magbigay ng suporta sa mga mahihirap sa Santa Rosa City, Cabuyao City, at Pakil sa lalawigan ng Laguna.

Sa pakikipag-ugnayan kina Gobernador Ramil Hernandez at Bise Gobernador Karen Agapay, nagsagawa ng relief activity ang Malasakit Team ni Go sa mga barangay hall ng Brgy. Poblacion, Labas sa Santa Rosa City, barangay hall ng Pulong sa Sta. Cruz City, Pakil Municipal Hall, at Cabuyao City Hall para sa 155 residente.

Samantala, sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Go, isang team mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ang nagbigay ng livelihood kits sa pamamagitan ng Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) program nito.

Nananatili si Go sa kanyang pangako at sa pagkilala sa kritikal na kahalagahan ng pagtulong sa mga Pilipino na mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa ilalim ng mahirap na kondisyon.

Ang senador ang tagapagtaguyod ng PPG program at nananatiling aktibong kumikilos sa pagpapatupad nito.

Ang DTI-PPG ay isang programang nakatutok sa pagtatanim ng mga kabuhayan at pagpapaunlad ng entrepreneurship, partikular sa mga micro-enterprise. Binibigyan nito ng priyoridad ang mga rehiyong lubhang naapektuhan ng kalamidad, kabilang ang mga sunog at krisis sa kalusugan tulad ng pandemya.

“Sa pamamagitan ng tulong na ito, pwede mong mapalago
ang inyong negosyo. Kapag lumago ang inyong negosyo, dalhin niyo po ang mga kita sa inyong pamilya… mas masarap sa pakiramdam kapag pinagpawisan at pinaghirapan niyo po ang inyong pagnenegosyo at napalago ninyo,” ani Go sa mga benepisyaryo ng programa.

Samantala, hinimok ni Go, chairperson ng Senate committee on health and demography, ang mga may kondisyong pangkalusugan na humingi ng tulong sa Malasakit Centers na matatagpuan sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz o sa San Pablo City General
Hospital sa San Pablo City.

Pangunahing inakda at itinataguyod ng senador, ang Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019 ay layong mabigyan ng maginhawang access ang mga mahihirap na pasyenteng Pilipino sa mga programang tulong-medikal mula sa Department of Social Welfare and Development, Department of Health (DOH) , Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Sa kasalukuyan, 159 Malasakit Centers na ang nakatulong sa mahigit sampung milyong pasyente sa buong bansa. RNT

Previous articleDenice Zamboanga vs Stamp Fairtex magsasagupa
Next articleDwight Ramos kinainisan sa Japan, target ng hate messages