Home NATIONWIDE Bong Go: OTOP Law magbabangon sa ekonomiya

Bong Go: OTOP Law magbabangon sa ekonomiya

548
0

MANILA, Philippines- Ikinagalak ni Senador Christopher “Bong” Go ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Agosto 24 bilang batas sa Republic Act No. 11960 o One Town, One Product (OTOP) Philippines Act na isang mahalagang hakbang tungo sa pagbangon ng ekonomiya.

“The OTOP law decentralizes opportunities, giving each town and province the chance to shine with their unique products,” sabi ni Go na binigyang-diin ang potensyal ng batas na maibahagi ang kapangyarihang pang-ekonomiya mula sa kabisera patungo sa mga lalawigan at mga rehiyon.

May akda at isponsor ng OTOP Law, sinabi ni Gi na higit pa ito sa stimulus package para sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs). Tinitingnan niya ito bilang reporma sa socio-economic at maaaring tulay sa urban-rural divide.

“Hindi lang ito tungkol sa pag-angat ng MSMEs. Ito’y pagkakataon para sa bawat Pilipino, kahit saan man sila naroroon, na magtagumpay sa negosyo,” pagpapalawig ng senador.

Binigyang-diin din ng senador ang papel ng OTOP Program sa pagpapaunlad ng community-led innovation.

“When communities take the lead in product development, we see more sustainable and culturally relevant outcomes. This is what OTOP aims to achieve,” ani Go.

Habang ang batas ay idinisenyo upang tumulong sa iba’t ibang larangan tulad ng pagpapabuti ng kalidad at paglalako ng mga lokal na produkto, idiniin ni Go ang potensyal nito bilang kasangkapan sa pagkakaisa ng lipunan.

“Kapag ang lokal na ekonomiya ay umunlad, hindi lang isang negosyo ang lumalago kundi ang isang buong komunidad,” ipinunto niya.

Binanggit din ni Go na mahalaga rin ang public-private partnerships sa tagumpay ng OTOP Program.

Sa konteksto ng pagbangon ng ekonomiya, nakikita ni Go ang OTOP Law bilang isang lifeline ng mga nawalan ng trabaho.

“Makatutulong ang bagong batas na ito sa paglikha ng mas magandang kinabukasan para sa lahat ng mga Pilipino dahil sa mga oportunidad na maaaring i-offer sa kanila,” ayon sa mambabatas.

Nagpasalamat si Go sa Pangulo sa kanyang suporta at ipinahayag ang kanyang tiwala sa pangmatagalang epekto ng batas. RNT

Previous articlePinas ‘di mananahimik, maglalabas ng pahayag sa ASEAN Summit sa aksyon ng Tsina sa SCS
Next articleP160.3M ‘ismagel’ na sigarilyo nasamsam sa Zambo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here