Home NATIONWIDE Bong Go sa DOH: Impormasyon sa health programs, paigtingin

Bong Go sa DOH: Impormasyon sa health programs, paigtingin

MANILA, Philippines – Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Health (DOH) na paigtingin ang pagpapakalat ng impormasyon na may iba’t ibang programang pangkalusugan ang gobyerno upang mapakinabangan ito ng taongbayan.

Ginawa ng senador ang apela kasunod ng national survey na maraming Pilipino ang hindi alam ang iba’t ibang programang pangkalusugan ng pamahalaan kaya ito nagagamit.

Sa survey ng data analytics firm na Capstone-Intel Corp., natuklasan na habang 83% ng 1,205 na tinanong ay may kamalayan sa mga tungkulin ng DOH, 50% lamang ang nakaaalam sa mga programa ng gobyerno para sa HIV/AIDS.

Mas lalong mababa ang antas ng kamalayan ng publiko sa iba pang programa ng gobyerno kagaya ng Universal Health Care, National Tuberculosis Control, at sa Mentral Health na mula 28% hanggang 45%.

Tagapagtaguyod ng pagpapahusay ng access ng publiko sa health care, hinimok ni Go ang DOH na seryosohin ang mga natuklasang ito.

“The lack of awareness is a reflection of lives that could be at risk. We need to step up our information campaigns, especially in far-flung areas,” sabi ni Go.

Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng paggamit ng iba’t ibang platform, kabilang ang social media, para maabot ang mas malawak na audience.

“We need to be where the people are. Gamitin natin ang teknolohiya at gawing abot-kamay ang lahat ng impormasyon tungkol sa ating mga programang pangkalusugan,” ani Go.

Sinabi ng senador na dapat makipagtulungan sa local government units (LGUs) upang matiyak na makararating ang impormasyon kahit sa pinakamalayong lugar.

Mahalaga aniya ang papel ng LGUs sa pagpapalaganap ng impormasyon para maging aware ang publiko na nakahanda ang gobyerno na magserbisyo sa usapin ng kalusugan ng mga Pilipino.

Muling idiniin ng senador na patuloy siyang nagsisikap na mailapit ang mga serbisyo sa tao sa pamamagitan ng mga hakbang tulad ng Malasakit Centers, Super Health Centers, at Regional Specialty Centers.

Pinagsasama-sama sa Malasakit Centers ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), DOH, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office na layong huwag mapahirapan ang mahihirap na pasyente sa mga gastusin sa ospital.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463 o ang Malasakit Centers Act of 2019. Sa ngayon ay may 159 operational centers na ang nakatutulong sa mahigit 7 milyong Pilipino sa buong bansa, ayon sa DOH. RNT

Previous article2 durugista isinelda sa P130K droga sa Navotas
Next articlePNP nagsagawa ng surprise drug testing sa top police officials

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here