Home NATIONWIDE Bong Go, Tolentino, Bato umayuda sa Pasig City indigents

Bong Go, Tolentino, Bato umayuda sa Pasig City indigents

MANILA, Philippines- Alinsunod sa kanilang pagsisikap na matiyak na walang Pilipinong maiiwan sa pagbangon, si Senador Christopher “Bong” Go, kasama si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, ay inanyayahan ni Senador Francis “Tol” Tolentino na magbigay ng tulong sa mga mahihirap na residente sa Pasig City noong Miyerkules.

Ang tatlong senador ay mga opisyal ng partido politikal ng PDP-Laban.

“Huwag kayong magpasalamat sa amin nina (Senator) Bato (Dela Rosa), (Senator) Tol (Tolentino), dahil trabaho namin yan. Kami po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan nyo po kami ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat,” ani Go.

Ang relief activity ay ginanap sa Barangay Kalawaan Covered Court, kung saan 600 residente ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno sa pamamagitan ng inisyatiba ni Sen. Tolentino.

Namahagi si Go ng meryenda, grocery packs, masks, bitamina, kamiseta, at bola para sa basketball at volleyball. Mayroon ding mga nakatanggap ng mga bisikleta, sapatos, mobile phone, at relo mula kay Go.

Bukod sa mga senador, naroon din ang iba pang opisyal, kabilang sina Konsehal Eric Gonzales, Syvel Asilo-Gupilan, at Kalawaan Barangay Captain Jessie Gaviola, at iba pa.

“Nagpapasalamat po ako kay Sen. Tol Tolentino na naimbitahan po kami rito sa kanyang pagtitipon ng mga napiling indigents. Iisa lang naman po ang aming layunin ni Sen. Tol, Sen. Bato, tumulong sa ating mga kababayan, makatulong sa indigents,” sabi ni Go sa isang panayam.

“Alam n’yo, hindi ko po matiis na nakaupo lamang po sa opisina kahit na bagaman’t hatinggabi na po ako natapos kagabi sa aking trabaho sa opisina at gumising po ako ng maaga kanina, para po makabisita rin po dito sa Pasig, makatulong man lang sa mga kababayan natin at makapagbibigay ng tulong at kasiyahan sa abot ng aming makakaya,” anang senador.

Hinikayat ng senador, chair ng Senate committee on health and demography, ang mga residente na samantalahin ang mga serbisyong ibinibigay sa Malasakit Centers sa buong bansa, kabilang ang nasa Rizal Medical Center na matatagpuan sa lungsod.

Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop upang magbigay ng tulong-medikal sa mga mahihirap na Pilipino, kung saan si Go ang pangunahing may-akda at sponsor nito. Ang Malasakit Centers Act ay nakatulong na sa higit 10 milyong Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng 159 operational centers nito.

Ang isa pang pinagtutuunan ng pansin ni Senator Go ay ang pagtatatag ng mas maraming Regional Specialty Center, partikular sa mga rehiyong kulang sa serbisyo. Bilang pangunahing sponsor at isa sa mga may-akda ng RA 11959 o ang Regional Specialty Centers Act, ang bagong batas ay naglalayong lumikha ng mga Regional Specialty Center sa loob ng mga kasalukuyang regional hospital sa ilalim ng DOH upang magdala ng espesyal na pangangalagang pangkalusugan sa lahat ng rehiyon.

Ang RMC ay dating sinuportahan ni Go sa pagtatayo ng pitong palapag na multispecialty building sa loob ng compound nito at sa pagkuha ng mga kagamitang medikal. RNT

Previous articleRaptors ‘di umubra sa Mavs
Next articleP4.68M marijuana winasak sa disputed boundary ng Ilocos Sur, Benguet