Home ENTERTAINMENT Bong, on the way to recovery!

Bong, on the way to recovery!

Manila, Philippines – Mabilis kung tutuusin ang pagpapagaling ni Senator Bong Revilla ng kanyang nadaleng Achilles tendon.

Matatandaang the actor-lawmaker sustained a foot injury that required surgery.

Ito’y dahil sa mabilis na ginawang pagtakbo while filming Birador: Alyas Pogi 4.

Supposedly, ito sana ang isasali ni Bong sa golden year ng Metro Manila Film Festival ngayong taon, pero hindi na nga maisakakatuparan ‘yon.

Sa ngayon, it’s been almost two months matapos siyang maaksidente’t maoperahan sa nasabing bahagi ng kanyang paa.

On the road to complete recovery na raw si Bong.

In fact, ang dating dalawang crutches o saklay na ginagamit niya’y isa na lang.

Balik-workout na rin siya at nagsasayaw pa, huh! Budots kaya?

Inalis na rin daw ang ikinabit na artificial foot sa kanya.

At malapit-lapit na rin daw na magsuot siyang muli ng sapatos.

Accidents like that teach us valuable lessons.

Sa kaso ni Bong, lalo niyang napagtanto ang kahalagahan na pangalagaan ang ating mga kamay at paa, kundi man buong katawan.

Siya rin mismo ang maysabing nagkakaedad na siya, kaya all the more na kailangan ng ibayong ingat.

Samantala, excited si Bong na ibalita ang susunod niyang TV project sa GMA.

Matatandaang his last series was cut short dahil nga sa aksidente.

Wari’y nagpa-survey pa si Bong kung ano raw ba ang bet ng mga viewera na kasunod ng huli niyang action series: Tulume, Agimat o Relaks Ka Lang, Sagot Kita.

Alin ba roon ang walang gaanong madugong action scenes to prevent another accident? Ronnie Carrasco III