Home NATIONWIDE Boracay ‘di hihigpitan sa tumataas na kaso ng COVID, flu-like illnesses

Boracay ‘di hihigpitan sa tumataas na kaso ng COVID, flu-like illnesses

MANILA, Philippines – Hindi magpapatupad ng anumang restriksyon ang Boracay Island sa Aklan sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 at flu-like illnesses sa buong bansa, sinabi ni Malay Mayor Floribar Bautista nitong Martes, Disyembre 26.

“Sa ngayon wala pa tayong mga adjustment o mga bagong health protocols dahil hindi pa namin napaguusapan ‘yung umaakyat ang COVID cases. Pero sa ngayon sa Boracay, wala pa tayong mga restrictions regarding sa COVID,” sinabi ni Bautista sa public briefing.

Ngayong buwan, hinimok ni Health Secretary Ted Herbosa ang publiko na magsuot ng face masks dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Iniulat din ni OCTA Research fellow Guido David noong Sabado na ang positivity rate sa Metro Manila ay tumaas sa 22.4% mula sa 18.4% na naitala noong Disyembre 14.

Nakapasok na bansa ang COVID-19 Omicron subvariant JN.1 sa unang 18 kaso na naitala sa pamamagitan ng genomic sequencing. RNT/JGC

Previous articleIlang persons of interest sa kaso ng pugot na sekyu sa QC, tinututukan ng QCPD
Next articleBFP naka-red alert ‘gang Bagong Taon