Home LIFESTYLE Boracay itinanghal na 4th best island sa Asia-Pacific

Boracay itinanghal na 4th best island sa Asia-Pacific

ILOILO CITY- Pinangalanan ang sikat na Boracay Island bilang ika-apat na “best island” sa Asia-Pacific.

Kabilang ang pinakapopular na beach destination sa bansa na matatagpuan sa bayan ng Malay, sa Aklan province sa listahan ng Best Islands in Asia Pacific category sa Travel + Leisure Luxury Awards Asia Pacific 2024.

Kasama rin ang Boracay sa listahan noong nakaraang taon sa ika-limang pwesto, habang ikatlo ang Palawan.

Itinanghal ang isla ng Koh Samui sa Thailand bilang best island sa Asia-Pacific ngayong taon. Sinundan ito ng Bali sa Indonesia.

Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, inaasahan nila ang mas maraming turista sa Boracay ngayong taon. Noong 2023, may kabuuang 2.1 milyong foreign at domestic tourists ang bumisita sa Boracay. RNT/SA