MANILA, Philippines- Nananatili ang Boracay sa Top 10 “Favorite Islands in the World 2023” list ng Travel + Leisure Magazine.
Pumwesto ang isla sa ika-10 kahanay ang Great Barrier Reef Islands ng Australia at Maldives.
Base sa site, batay ang list sa survey sa kanilang readers.
Nakakuha ang Boracay ng score na 92.94%.
“The tiny island — just 4.5 miles long — is known as ‘the island that never sleeps’ for its parties and nightlife,” saad sa artikulo. “One T+L reader called the island ‘the best leisure vacation destination.'”
Noong nakaraang taon, nasa ika-siyam na pwesto ang Boracay sa nasabing listahan.
Ayon sa ulat nitong Biyernes, naniniwala ang local government unit ng Boracay na patuloy na dadagsa ang mga turista sa lugar dahil sa pagkilala. RNT/SA