Home ENTERTAINMENT Bosing, umiyak sa gender reveal party! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bosing, umiyak sa gender reveal party! August 9, 2023 09:21 351 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Masaya at intimate. Ganito inilarawan ni Pauleen Luna ang gender reveal party na idinaos sa tahanan nila ni Bossing Vic Sotto. Idinaos ito nitong August 7, Lunes at inabot na nang late ng gabi. That was Pauleen’s first-ever gender reveal party na inatenan. Inorganisa ‘yon nina Danica Sotto-Pingris at Joy Sotto. Ani Pauleen, kakaiba raw ‘yon noong i-reveal nila ang gender ng kanilang panganay na si Talitha. Simple lang daw ‘yon na naganap sa Eat Bulaga. Bukod kina Bossing at Pauleen, ang pinakamasaya ay si Tali. Ang wish niya kasi ay magkaroon ng baby sister…at natupad nga ‘yon! It’s a girl for the Sotto couple! Naging emosyonal daw si Bossing upon learning they’re expecting a baby girl. “Umiyak si Vic!” pagbabalita ni Pauleen. Matatandaang naunang nadulas si Joey de Leon nang tawagin niyang: “Buntis!” si Pauleen sa first episode ng E.A.T. sa TV5. Ronnie Carrasco III