Home METRO Boss ng mga tulak, tiklo sa P3.5M tobats

Boss ng mga tulak, tiklo sa P3.5M tobats

756
0

MANILA, Philippines – NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang “Boss” ng mga tulak ng iligal na droga matapos na kumagat sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Kamuning Police Station (PS 10) Drug Enforcement Unit at ng Philppine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 12 sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director PBGEN Nicolas Torre III ang naaresto na si Christopher Laguras Adao, alias “Boss”, walang asawa, nakatira sa No. 38, Laura St., Ramos Compound, Brgy. Matandang Balara, Q.C.

Sa ulat, pasado alas-10 ng umaga nang isagawa ang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Staion Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno nina PMaj Mike D Diaz at PLt. Jorge M. Villanueva at ng PDEA sa tahanan ng suspek.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang kapulisan kaugnay sa malakihang pagtutulak ng shabu ni Adao kaya agad nagkasa ng operasyon ang mga pulis na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nasamsam mula sa suspek ang mahigit sa 525 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3, 570,000, sling bag, at buy-bust money.

Nakapiit na si Adao na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Quezon City Prosecutor’s Office. Jan Sinocruz

Previous article14 na volcanic earthquake naitala sa Taal
Next articleSolon nanawagan ng mas maayos na pagpapatupad ng DUI law

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here